WebClick Tracer

OPINION

Pasiklaban ng serbisyo

Hilong talilong na for sure ang mga estudyante sa pabago-bagong plano ng gobyerno sa pagbubukas ng klase.

Mabuti na lang at nanindigan ang Department of Education (DepEd) na hindi

pa kayang ibalik ang pagbubukas ng klase sa Hunyo sa susunod na taon.

Sinabi ni DepEd Assistance Secretary Francis Cesar Bringas na hindi pa nila tinitingnan ang posiblidad na ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase sa susunod na taon.

Alinsundo sa calendar ng DepEd, magbubukas ang klase para sa 2023-2024 sa Agosto 29 at magtatapos sa Hunyo 14.

Salamat naman at tinuldukan na ang DepEd ang panibagong agam-agam ng mga estudyante at mga magulang.

***

Nakaganda rin ang nangyaring agawan sa teritoryo ng Taguig at Makati kung saan ay wagi ang una dahil nakapaghain ng programa si Taguig Mayor Lani Cayetano para sa kapakinabangan ng mga bagong residente ng siyudad.

Ayon sa Taguig-LGU, holistic, flexible, inclusive at game changer na scholarship program ang ihahandog at tiyak na pakikinabangan ng EMBO residents.

Ayon kay JV Arcena, Assistant Secretary for special concerns and international press secretariat sa ilalim ng Office of the Press Secretary at dati ding Assistant Secretary for Global Media and Public Affairs sa ilalim ng Duterte administration, kumpara sa Makati City na nag-aalok ng scholarship sa top 10% lamang ng kanilang estudyante, sa Taguig City ay nag-aalok ng oportunidad sa lahat ng estudyante at hindi hadlang kung anuman ang kanilang academic achievements.

Nabanggit ni Arcena sa isa nitong pitak na “Game Changer” ang alok na scholarship ng Taguig.

Ang tinutukoy ni Arcena ay ang alok na “flexible” scholarship kung saan nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng financial assistance sa mga estudyante na mula P15,000 hanggang P110,000 kada taon depende sa nais na scholarship ng estudyante.

Isa sa nakinabang sa scholarship ng Taguig ay ang De La Salle University student na si Briann Sophia Reyes at ibinida niya sa kanyang Facebook post ang mga benepisyo ng isang iskolar sa Taguig.

Sinabi ni Reyes walang perpektong Local Government Units(LGUs) subalit walang dapat na ikabalisa sa paglipat sa Taguig City, dahil bukod sa libreng uniform at school supplies ay nakatatangap pa sya ng cash incentive at allowance habang nag-aaral noon sa Cayetano Science High School at ngayong nag-aaral na sya sa DLSU ay patuloy pa rin syang nakakatanggap ng scholarship allowance mula sa Taguig LGU.

Hindi lamang din libreng school supplies, uniforms at sapatos ang inilalaan sa mga estudyante kundi maging scholarships sa lahat –gaya ng vocational, 2-year o 4- year courses; master’s at doctorate degrees at mga nagrerebyu sa board at bar exams.

Maliban sa scholarship program, tatak din ng Taguig ang door to door delivery nito ng kanilang serbisyo.

Hindi lang mga estudyante dahil maging ang mga senior citizens at PWD ay nakakatanggap ng door to door birthday cash gifts; mga may asthma, hypertension at diabetes ay mayroon ding house delivery ng kanilang maintenance medicines at ang mga bedridden na residente ay personal na mabisita ng health personnel para kanilang home care.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on