WebClick Tracer

NEWS

Diokno matigas sa kaltas-pensiyon ng AFP, PNP

Iginiit ni Finance Secretary Benjamin Diokno na dapat lamang pagbayarin ang mga sundalo at pulis para sa kanilang makukuhang pensiyon o ng kanilang mga maybahay kung sila ay mamatay sa serbisyo.

Sabi ni Diokno, kailangang tutukan ang epekto ng pensiyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa budget ng pamahalaan dahil wala silang kontribusyon sa kanilang mga pensiyon.

Si Diokno ang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) nang dinoble ang suweldo ng mga pulis at sundalo ng administrasyon ng dating pangulong Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kasalukuyang suweldo kasi ng mga pulis at sundalo nakaangkla kung magkano ang makukuhang pensiyon ng mga retiradong uniformed personnel.

Samantala, nagpahayag naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nakakalungkot aniya na wala man lang kahit isang mambabatas ang nagsabing ipauubaya na nila ang kanilang mga pork barrel na pinagmumulan ng korapsiyon.

Suportado ng Makati Business Club (MBC) ang naging pahayag ni Magalong.

Sabi ng MBC, napagkakaitan ng serbisyo ang mga tao dahil napupunta sa korapsiyon ang pera ng bayan at ito ang dahilan kaya’t tumataas ang buwis ng pamahalaan.

(Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on