WebClick Tracer

NEWS

Bato kinonsensiya mga economic manager sa defense budget

Nanawagan si Senador Ronald `Bato’ dela Rosa sa mga economic manager ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para itulak ang dagdag-pondo ng defense sector.

Ito’y matapos ipresenta ng economic team ang pondo sa bawat sektor kung saan 37.9& ay para sa social services, 29.6% sa economic services, 12.1% sa debt servicing, 15.5 sa general public services habang 4.9% lamang ng kabuuang budget ang ibinigay para sa defense.

Binanggit ng senador ang sitwasyon ng mga military and uniformed personnel (MUP) katulad na mayroong mga nagbubuwis ng buhay kapag nagkakaroon ng engkuwentro sa mga kalaban ng gobyerno.

“Awang-awa na tayo sa ating mga puwersa doon. Forgive me, my heart goes to the MUP because I’ve been there, done that and saw my people dying before my eyes during encounters with the enemy,” ani Dela Rosa.

Sinabi pa ng senador ang mga ginagawang pambu-bully ng China sa West Philippine Sea na walang kalaban-laban aniya ang mga tropa ng pamahalaan.

“Kaya kung itong pambabastos ng China na simpleng tubig lang wala tayong panglaban, kawawa naman talaga iyong ating Coast Guard, kawawa iyong ating Navy,” dagdag pa ni Dela Rosa na dating Philippine National Police (PNP) chief. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on