WebClick Tracer

NEWS

Kongreso dadagdagan pondo sa edukasyon, kalusugan

Siniguro ni Senador Sonny Angara na aayusin ng kanyang komite na madagdagan ang pondo para sa edukasyon at kalusugan sa pinal na bersiyon ng panukalang 2024 national budget.

Bilang chairman ng Senate committee on finance na naghihimay sa panukalang P5.768 trillion budget para sa 2024, sinabi ni Angara na batay sa kanyang naging karanasan sa huling apat na General Appropriations Acts (GAA), lagi naman umanong sinusuportahan ng Kongreso ang education at health sectors.

Kung titingnan ang 2024 National Expenditure Program (NEP) na panukala ng Malacañang, sinabi ni Angara na magkakaroon ng pagbabawas mula sa pondo ng ilang kagawaran, ahensiya o tanggapan dahil sa pagtanggal ng mga paulit-ulit na lamang na mga gastusin.

Kabilang aniya rito ang mga infrastructure project na natapos nang gawin “These include infrastructure projects that are already implemented in the current year so the amounts for these are removed for next year’s budget proposals,” sabi ni Angara. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on