WebClick Tracer

NEWS

LTFRB binasbasan bentahan, lipat-prangkisa ng bus, dyip

Tinanggal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabawal sa bentahan at paglilipat ng prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng bus at dyip.

Matatandaang ipinagbawal ng ahensya ang pagbebenta at paglipat ng prangkisa noong 2016 dahil may mga operator umano na pagkatapos makakuha ng CPC ay ibinebenta naman ito sa malaking halaga.

Puntirya umano ng nasabing hakbang na maging magaan ang pamamahagi ng

fuel subsidy para sa mga tsuper at operator bukod pa sa magiging madali na rin umano ang pagsali ng mga operator sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

“Magiging madali na rin ang pagsali ng mga operator sa Public Utility Vehicle Modernization Program dahil mabilis na maililipat at maiparerehistro ng mga ito ang kanilang sasakyan,” ayon sa pahayag ng LTFRB.

Batay umano sa Memorandum Circular 2023-027 ng ahensiya, maaaring ilipat ang Certificate of Public Convenience (CPC) kapag “valid and subsisting” ito sa oras ng aplikasyon at nakumpleto ang mga kaukulang bayarin.

Subalit nilinaw din ng LTFRB na hindi papayagan ang tinatawag nitong “fractional transfer” ng prangkisa. Dapat umano na saklaw ng paglilipat ng prangkisa ang lahat ng otorisadong unit na nasa ilalim ng inaprubahang CPC.

Ipinaliwanag pa ng ahensiya na dalawang lipat-prangkisa lamang ang papayagan sa panahon ng validity ng CPC. Subalit hindi umano papayagan na i-transfer ang prangkisa sa unang taon na iginawad ang CPC o isang taon bago mag-expire ang validity nito.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on