WebClick Tracer

METRO

Most wanted NPA sa Calabarzon, 2 kasabwat timbog

Timbog sa ibat-ibang unit ng PNP, militar at mga operatiba ng NBI ang most wanted na miyembro ng NPA sa Calabarzon sa operasyon sa Brgy. Buhay na Sapa, San Juan, Batangas nitong Huwebes.

Kinilala ang naaresto na si Ernesto Baez Jr. alyas Mcdo/Opel/Vilmar na nakatala bilang regional most wanted person dahil sa mga kasong murder, frustrated murder at violation of PD 1866 at PD 10591 o Illegal Possession of fire arms and Explosives.

Si Baez ay siya umanong regional demolition/ordinance and procurement staff ng Southern Tagalog Regional Committee ng NPA.

Nadakip ito sa checkpoint matapos matiktikan ng mga awtoridad sakay ng isang Isuzu Crosswind at may dalang ibat-ibang klase ng armas at pampasabog.

Inaresto din ang kasama nito sa sasakyan na sina Jose Escubio at Jonald Jabonero. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on