WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

DTI tiniyak tamang presyo ng mga school supply

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na masusunod ang price guide sa mga ibinebentang school supplies sa General Santos City.

Sinabi ni DTI GenSan Price Monitoring Officer Giovanni Man un na hindi tumutol ang mga tindahan sa mga ipinadala nilang price guide pero sa kabila nito ay patuloy pa rin silang magbabantay.

Ayon kay Man un, sakaling may makita silang lumabag sa price guide ay padadalhan ng sulat para maimbestigahan.

Batay sa price guide na inilabas ng DTI, ang presyo ng notebook ay nasa P23 hanggang P52, habang ang pad paper naman ay nasa P22 hanggang P28.

Sinabi naman ng DTI na ilan sa mga school supplies ang nagtaas dahil bagong manufacturing ang mga itinitinda habang ilan naman ay bahagya lamang o hindi nagtaas ng presyo dahil mga dati nang stocks ang mga ito. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on