WebClick Tracer

SPORTS

Talaga ba coach? Misis ni CJ Perez asar kay Chot Reyes

Mga laro Linggo: (Araneta Coliseum)
4:00pm – Italy vs Dominican Republic
8:00pm – Pilipinas vs Angola

(Mall of Asia Arena)
4:45pm – Montenegro vs Egypt
8:30pm – Lithuania vs Mexico

HINDI napigilan ng misis ni Gilas Pilipinas guard CJ Perez na si Sienna na pagtawanan si national basketball head coach Chot Reyes sa pambabangko nito sa kanyang mister sa laban kontra Dominican Republic sa simula ng 2023 FIBA World Cup na nilaro sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Hindi ginamit ni Reyes sa buong laro ang high-scoring guard mula San Miguel Beermen dahil maayos naman umano ang takbo ng opensa ng Gilas kaya hindi na kailangan ang gaya ni Perez sa laban sa Dominican Republic, na nagwagi sa laro 87-81.

“We need Cjay when we have a scoring drought. We need to have something happen on the court, but we we’re fine all the way through until the last five minutes when Jordan (Clarkson) fouled out,” paliwanag ni Reyes sa post-game interview.

Pero hindi bumenta sa misis ni CJ ang paliwanag ng Gilas tactician.

“Leading scorer last world cup, 3x PBA scoring champ… zero minutes? Lol it is what it is,” sarkastikong komento ni Sienna sa paliwanag ni Chot.

Sa kabila nito, positibo pa rin ang ginang na makakabawi ang Gilas sa sunod na laban kontra Angola ngayong alas-8 Linggo ng gabi.

Iginiit din nitong walang injury ang mister.

“No, he’s not injured. Appreciate your concern. Bawi tayo next game,” dagdag nito.

Bukod kay Perez, bangko rin ang inabot ni NBA hopeful Kai Sotto na 73 segundo lang ipinasok ni Chot.

“Kai picked up two quick fouls, so we had to get him out right away. We could not get him back in because [AJ Edu] is playing a great game. He was playing really, really well and if we get him in, then the other guy I have to sit is a guy named June Mar Fajardo,” sabi ni Reyes.

(Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on