WebClick Tracer

SPORTS

Shaila Omipon, Lady Blazers binomba ang San Sebastian

TEAM STANDINGS

WOMEN’S W L

FEU 3 0

UE 3 0

CSB 2 0

UPHSD 2 1

EC 1 2

MU 1 2

LPU 0 3

SSC-R 0 4

MEN’S W L

ADMU 3 0

UST 2 1

UPHSD 2 1

NU 2 1

DLSU 2 1

ADMU 1 0

FEU 0 2

SBU 0 3

EAC 0 3

Mga laro Miyerkoles

(Paco Arena-Manila)

10 am – FEU vs UPHSD (M)

12 nn – EAC vs UST (M)

2 pm – UE vs UPHSD (W)

4 pm – FEU vs LPU (W)

Lumagare si Shaila Omipon nang lansihan ng University of Perpetual Help System DALTA ang Lyceum of the Philippines University, 20-25, 25-23, 25-20, 20-25, 15-9, sa 2nd V-League Collegiate Challenge 2023 women’s division elimination round Linggo ng hapon sa Paco Arena sa Manila.

Kumana siya ng 19 points para ilista ng Lady Altas ang 2-1 win-loss card at solohin ang pang-apat na puwesto. Bagsak ang Lady Pirates sa 0-3 sa paliga ng Sports Vision Magament Group. Inc. na mga pinapadrinuhan ng Bola.TV, Beyond Active Wear, Asics at Mikasa.

“Masaya ako na nung nag-five sets, nakita ko puso nila. Medyo na-late lang at kailangan ko pang mag-time out. Hindi kasi dapat gusto mo lang maglaro, dapat mas gusto mong manalo,” suma ni Perpetual coach Sandy Rieta.

Katuwang ni Omipon sa atake ng Las Piñas-squad si Mary Rhose Dapol na umiskor ng 16 phabang 13 ang binakas ni Charmaine Ocado sa torneong ineere ng Solar Sports, V-League’s official website (pvl.ph) at Bola.TV’s app.

Sa men’s side, sinangkalan ng solo lider Ateneo De Manila University Blue Eagles (3-0) ang 22 markers ni Jian Salarzon upang dagitin ang Far Eastern University Tamaraws (0-2), 25-22, 25-23, 18-25, 23-25, 15-13.

Wagi rin ang De La Salle University Gren Spikers (2-1) kontra San Beda University Red Lions (0-3), 25-15, 25-22, 16-25, 25-21.

(Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on