WebClick Tracer

SPORTS

Bianca Pagdanganan tumabla sa pang-32, binulsa ang P980K

Sa likod ng apat na birdie laban sa tatlong bogey at isang double bogey, sinalpak ni 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan ang one-over 73 sa pangatlong sunod na araw upang bumuhol sa apat sa pang-32 puwesto sa wakas ng $2.5M (P141M) CPKC 49th (Canadian) Women’s Open sa Shaughnessy Golf Club sa Vancouver City, British Columbia Province nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Kasama ang best round na 71 sa opening, tumapos ang Pinay shotmaker na may two-over 290 kasalo sina Nanna Koerstz Madsen ng Denmark (70), Nelly Korda ng United States (75) at Xiyu Lin ng China (73) upang magrasyahan ang bawat isa ng $17,308 (P980K).

Ang kakuwadra sa ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) ni Pagdanganan na si Yuka Saso ng Japan may 73-din pa-284 upang saluhan sa pangwalo sina In Gee Chun ng South Korea (69) at Jodi Ewart Shadoff ng England (72) para magkamal ng tig-$56,954 (P3.2M).

Namayagpag si American Megan Khang sa pag-ungos sa playoffs kay Korean Jin Young Ko upang isubi ang $375K (P21.2M). Nagkasya ang huli sa (P13.1M). Nagtabla sa regulation sina Khang (74) at Ko (69) sa 279.

Solong tumersera si Chinese Ruoning Yin (66-281) na may $168,321 (P9.5M) sa torneong nagsilbing Leg 22 ng 74th Ladies Professional Golf Association Tour 2023.
Dehins napabilang sa mga nagrasyahan ang isa pang bet ng ‘Pinas na si Dottie Ardina na sumablay sa cut. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on