WebClick Tracer

METRO

Ex-cop na nanutok sa siklista kasuhan – Abalos

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na dapat sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis at driver na nakunan ng video, na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa loob ng bike lane malapit sa Welcome Rotonda, Quezon City noong Agosto 8.

“For the sake of a peaceful and orderly society, we cannot allow a culture of impunity. We cannot allow bullies to just go around intimidating people with deadly weapons. There must be consequences here,” ayon kay Abalos.

Binigyang-diin ni Abalos, bagamat nagkaayos na ang siklista at ang KIA driver na si Wilfredo Gonzales, maaari pa ring magsampa ng mga kasong kriminal kahit tumangging magreklamo ang biktima.

Kaugnay nito, nilinaw ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Sec. Vigor Mendoza II na hindi pag-aari ni Gonzales ang pulang sedan na sangkot sa insidente ng road rage.

Sa ulat na isinumite sa kanyang tanggapan ni LTO – National Capital Region Director Roque Verzosa, sinabi ni Mendoza na ang rehistradong may-ari ng KIA Rio na may plakang ULQ 802 ay iisyuhan ng Show Cause Order at nakatakdang ipatawag sa LTO sa Agosto 31. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on