WebClick Tracer

METRO

Galamay ng robbery, carnapping group tiklo

Tiklo ang isang hinihinalang miyembro ng robbery at carnapping group matapos itong mahulihan ng baril sa Taguig City.

Sa impormasyon na natanggap ng pulisya mula sa Barangay Information Network (BIN), nanunutok umano ng baril ang suspek na si Emerson Pillos, 40, miyembrong Kelly Calauad Dongalo robbery/hold-up at carnapping group sa Banana st., New Lower Bicutan, Taguig City noong Biyernes.

Nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng Taguig City Police at dito ay naabutan nila ang suspek na hawak ang isang cal.22 revolver na kargado ng dalang bala.

Natuklasan na walang dalang kaukulang dokumento ang suspek para =magdala ng baril kaya agad itong inaresto.

Sa imbestigasyon, nadiskubre na miyembro ito ng nasabing grupo at dati =ring naging kasapi ng Muslimen Saban robbery hold-up group na kapwa nambibiktima sa lungsod at mga kalapit na siyudad at lalawigan.

Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on