WebClick Tracer

METRO

Laruang baril, sakop ng gun ban

Nagbabala ang pamunuan ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) sa sinumang magdadala at mahuhulihan ng mga gun replica o toy gun na maari silang makulong sa simula ng gun ban period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ngayong Agosto 28.

Sa press briefing nitong Sabado, sinabi ni INPPO spokesperson Police =Major Jephre Taccad na bukod sa mahuhulihan ng tunay na baril, maaari ring kasuhan ang mga mahuhulihan ng mga replica gun katulad ng toy gun, airgun, airsoft gun, antique firearms at iba pa.

Paliwanag ni Taccad, ang mga replica gun ay kadalasang binibitbit para gamiting panakot sa mga kalabang kandidato at kanilang mga supporter.

Hindi papayagan ng INPPO ang isang indibiduwal na magdala o magbiyahe ng mga baril o iba pang nakamamatay na armas sa labas ng kanilang bahay o sa trabaho kung hindi naman ito kinakailangan.

Ito ay ipatutupad kahit ang baril ng isang indibidwal ay may lisensya, ayon pa kay Taccad.

Tanging ang isang indibidwal na nag-apply at nakakuha ng certificate of authority sa Commission on Elections (Comelec) ang pinapayagan magbitbit ng baril sa labas ng kanilang bahay habang ipinatutupad ang gun ban.(Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on