WebClick Tracer

NEWS

Bantag, 6 swak sa Bilibid murder

May panibagong kasong murder ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Q. Bantag dahil sa pagkamatay ng isang person deprived of liberty (PDL) noong 2020 sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Bukod kay Bantag, 6 pang katao ang isinamang kasuhan ng NBI dahil sa pagkamatay ni PDL Hegel Laping Samson.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ‘asphyxiation due to a plastic bag’ o pagsaklob ng plastic sa ulo ang ikinamatay ni Samson.

Kabilang sa kinasuhan sina dating BuCor deputy security officer Ricardo S. Zulueta, Victor Erick L. Pascua, at mga PDL na sina Rolando Villaver, Mark Angelo Lampera, Charlie Dacuyan at Wendell Sualog.

“Ito ‘yung may lumalabas sa social media Leon Bilibid describing the mysterious happenings inside Bilibid,” ani Remulla.

“May nagalit sa kanya. Death by plastic,” dagdag ni Remulla.

Inamin umano ng apat na PDL ang naging partisipasyon nila sa pagpatay kay Samson na idineklarang dead on arrival sa NBP Hospital noong Nobyembre 7, 2020.

Sina Bantag at Zulueta ay may dalawang kaso na ng murder na isinampa sa regional trial courts (RTCs).

Sa Las Piñas City RTC, si Bantag at Zulueta ay kinasuhan dahil sa pagpaslang sa radio broadcaster Percival ‘Percy Lapid’ M. Mabasa.

Habang sa Muntinlupa City RTC, sila ay kinasuhan dahil sa pagpaslang sa PDL na si Cristito Villamor Palana, middleman na kumontak sa killer ni Mabasa. Kapwa may warrant of arrest laban sa kanila at nag-alok na rin ng P2 milyon pabuya ang DOJ para sa anumang impormasyon laban kay Bantag at P1 milyon naman kay Zulueta. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on