Tumaas ng P10.4 bilyon ang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa susunod na taon.
Mula sa kasalukuyang budget na P199.5 bilyon ay magiging P209.9 bil-yon ang budget ng ahensiya batay sa 2024 National Expenditure Program ng gobyerno.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, umakyat ng 5.22% ang budget allocation ng DSWD para sa susunod na taon upang agarang makatugon sa serbisyo at pangangailangan ng mamamayan.
Nakapaloob sa inilaang pondo ang para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na P112.84 bilyon; at ang Sustainable Livelihood Program na P5.6 bilyon.
Sinabi ni Pangandaman na nag¬laan din mula sa pondo ng P4.1 bilyon para sa Supplementary Feeding Program; P1.9 bilyon para sa Disaster Response and Rehabilitation Program; at P1.3 bilyon para sa Quick Response Fund. (Aileen Taliping)