Todo sa paghahanda ang Dapitan City sa pagtataguyod ng unang malaking endurance racing sa Setyembre 10 kung saan ginawa ang race courses – sa international standards – na magkakaloob sa mga kalahok ng memorableng karanasan sa triathlon sa lungsod na maraming kasaysayan.
“As the excitement builds for 5150 Dapitan and Go for Gold Sunrise Sprint, we cannot overlook the perfect blend of sports and heritage that this event showcases,” bulalas Martes ni Dapitan City Mayor Seth Jalosjos. “Dapitan has always been a city that prides itself on its rich history and now it is emerging as destination for sports tourism.”
Sinama-sama ng Shrine City of the Philippines, ang pinagkulungan ni national hero Dr. Jose Rizal nang ipatapon ng mga Kastila, ang lahat ng mapagkukunan upang matiyak na maayos ang pagdaraos ng 1.5-kilometer swim, 40km bike, 10km run race, na ang tagumpay nito ang susi ng lungsod para magsagawa ng IRONMAN 70.3 sa hinaharap.
Para sa mga detalye pa at pagpaparehistro, mag-log on sa www.ironman.com/5150-dapitan-philippines-register.
Mula sa transition area makaraan ang langoy, magbibisikleta ang mga kasali sa two-loop course buhat sa Sunset Blvd. pa-Dapitan turnabout at kakaliwa sa Dipolog-Oroquieta National Road para sa susunod na turnaround sa Oyan sa KM 10. Babalik sila sa second turnaround sa KM 20 at balik uli para sa final second loop sa Oyan sa KM 30 pa-Sunset Blvd.
Sisimulan ang deciding run course sa Sunset Blvd. pa-Guading Adasa St. bago kakanan sa M. Retiro St. kakaliwa sa El Filibusterismo St. lalabas sa Noli Me Tangere para sa first turnaround sa KM 15 at balik sa M. Retiro St.
Pagkakanan sa Justice Florentino Saguin St., kakaliwa ang mga kalahok sa Jose Rizal Ave. para sa 2nd turnaround sa KM 3.5 babalik pagkaraan sa Guading Adasa para sa pangatlong turnaround at makumpleto ang first loop ng ruta. May isa pang loop ang lahat bago mag-finish line sa Sunset Blvd.
“As you race through the streets of Dapitan, remember the city’s connection to Jose Rizal and the historical importance it holds. Embrace the opportunity to not only challenge yourself physically but also to immerse yourself in the fascinating heritage of this vibrant city,” panapos na sey ni Jalosjos.
Papaanghangin ang 5150 Dapitan ng Go for Gold Sunrise Sprint (750m open-water swim, 20km bike ride, 5km run) at 3K Noli Fun Run sa Set. 9 bago ang main event kinabukasan, ayon sa organizer The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc.
Ang maghahari’t reyna sa 5150 Dapitan magsusubi ng tig-P175K habang sa GfG SS ay tig-P75K. (Abante TONITE Sports)