Dumalo sa ribbon-cutting ceremony sa pagbubukas ng costume exhibit ng GMA series na ‘Maria Clara at Ibarra’ at Voltes V: Legacy’ sa Eastwood Mall ang ilang cast ng ‘Voltes V: Legacy’.
Kabilang sa dumating sina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Liezel Lopez, Raphael Landicho, Radson Flores, at Ysabel Ortega.
Kasama ang costume display ng ‘Ugnayan: Celebrate Everything Filipino campaign ng Eastwood. Parte ito ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at National Heroes Day.
Last day ngayong Huwebes ang mga costume na ginamit sa dalawang series.
Makikita ang flight suits ng Voltes V Team na dinala rin sa San Diego Comic-con nang dumalo ang V5 Team.
Tampok din ang costume na ginamit nina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, David Licauco, at Barbie Forteza sa ‘Maria Clara at Ibarra.’ Kaya sa mga gustong makita ang mga isinuot nina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Fidel, at Binibining Klay, pumunta na sa Eastwood Mall. Ngayong Miyerkoles at hanggang bukas na lang ang display.
Samantala, last two weeks na lang ng ‘Voltes V: Legacy’ at malalaman na kung paano magwawakas ang kasamaan ni Prince Zardoz (Martin del Rosario) at Zu Zambojil (Christian Vasquez).
Still on Miguel, kpag hindi na active sa pag-arte ang aktor, magiging director siguro ito. Nagpraktis na nga siya nang idirehe ang kanyang thesis. May mga larawan ang aktor na may hawak na camera at biniro ang sarili ng “naks direk yern hahaha.”
Sinasabi naman ni Miguel sa mga interview na gusto niyang mag-aral ng filmmaking at naramdaman lang niya na gusto niya ang filmmaking habang ginagawa ang ‘What We Could Be.’
Sabi nito, “Na-discover ko na mahilig akong makipag-usap sa director, DOP, sa cameraman natin kasi ayaw ko lang makita ‘yung set natin sa perspective ng aktor.
“If gusto ko maging director in the future, kailangan ko ring makita ‘yung mga perspective ng mga tao behind the camera at nage-enjoy ako na matuto from them.
“Na-discover ko na mas lumalim ‘yung love ko sa filmmaking and, in the near future, mag-aaral ako nito,” pahayag ni Miguel. (NITZ MIRALLES)