Umabot sa 227 mga pasaway ang inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station (VCPS) sa 24-oras `simultaneous anti-criminality law enforcement operation’ mula sa ibat-ibang barangay ng lungsod kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PMaj Randy Llanderal, Assistant Chief of Police for Operation, 61 dito ang nadakip sa paglabag sa mga city ordinances gaya ng drinking, smoking in public, half naked, curfew at jaywalking sa Barangay Marulas at Karuhatan.
Tatlo naman sa mga nasakote ang gumagmait ng iligal na droga kung saan umabot sa P7,700 halaga ng shabu ang nasamsam sa Barangay Malinta, Valenzuela City.
Nasa 152 ang inaresto sa traffic violations, 5 dito sa illigal gambling at dalawang motorsiklo ang na-impound matapos ma-checkpoint sa Barangay Malanday nang walang maiprisintang papeles sa nasabing sasakyan. (Orly Barcala)