WebClick Tracer

METRO

5 pa tiklo sa gun ban

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 5 kalalakihan dahil sa paglabag sa election gun ban kaugnay ng mga kasong kanilang kinasangkutan sa magkakahiwalay na lugar kamakalawa sa Maynila.

Ayon sa MPD-Police Station 1, inaresto si Franciso Narido, 21, dahil sa pagwawala habang hawak ang isang pen gun, alas-10:30 ng gabi sa may Mel Lopez Blvd., Tondo, Maynila.

Nakunan naman ng pen gun sa isinagawang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation, alas-11:20 ng gabi ng MPD-PS14, si Ahdrian Beronibla, 33, taga-Quiapo, miyembro ng Sputnik gang,

sa may Arlegui corner C. Aguila Sts., Brgy. 387, Quiapo, Maynila.

Nakuha naman sa dalawang holdaper ng mga tauhan ng MPD-PS 9, ang isa ring pen gun at stainless na baril kina Jimboy Colonares, 32, miyembro ng commando gang; at Bryan Teologi, 26, Sputnik gang.

Nahuli naman alas-6:43 ng gabi sa Comelec checkpoint sa San Fernando St., Binondo, si Mark Anthony Garais, 33, ng Tondo. Nasabat sa suspek ang isang 9mm Taurus G3c na may serial number ABM252748 at magazine na may 10 bala. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on