WebClick Tracer

METRO

Ipo dam apaw na, baha ibinabala

Inanunsyo kahapon ng Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Bulacan, na nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam matapos na umabot na ito sa spilling level dulot ng malakas na pag-ulan.

Ito umano ay maaaring magpalala sa sitwasyon ng pagbaha sa ilang barangay sa lalawigan ng Bulacan.

Sinabi ng MDRRMO na alas-diyes ng umaga nitong Huwebes, umabot na sa 101.13 metro ang lebel ng tubig sa Ipo Dam at patuloy na tumataas dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Goring.

Anila, nagsimula ang pagpapalabas ng Ipo Dam ng tubig alas-3:00 ng hapon na may paunang discharge na 61 cubic meters (cms).

“Asahan po natin na makakaranas po tayo ng pagtaas ng tubig sa kailugan dulot ng mataas na level ng tubig hightide, patuloy na pag-uulan at kasabay din nito ang pagpapakawala ng maliit na halaga ng tubig mula sa Ipo Dam,” paalala ng MDRRMO. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on