TEAM STANDINGS
WOMEN’S W L
FEU 4 0
UE 4 0
CSB 2 0
UPHSD 2 1
EC 1 2
MU 1 2
LPU 0 4
SSC-R 0 4
MEN’S W L
ADMU 3 0
UST 3 1
NU 2 1
DLSU 2 1
UPHSD 2 2
FEU 1 2
SBU 0 3
EAC 0 4
Mga laro sa Biyernes
(Paco Arena-Manila)
10 am – SBU vs NU (M)
12 nn – ADMU vs DLSU (M)
2 pm – MU vs SSC-R (W)
4 pm – EC vs CSB (W)
Ibabalikwas ni Raisa Ricablanca ang Mapua University kontra sa uhaw sa panalong San Sebastian College-Recoletos sa 2nd V-League Collegiate Challenge 2023 women’s division eliminations ngayon (Biyernes) sa Paco Arena sa Manila.
Wa epek ang pasiklab niyang 19 points nang tumaob ang katabla sa panlimang Lady Cardinals (1-2) sa four-set kontra University of the East noong Aug. 23 sa paliga ng Sports Vision na mga hatid ng Bola.TV, Beyond Active Wear, Asics at Mikasa.
Paborito man ang Muralla-based squad sa alas-2:00 ng hapon, bibigyan sila nang astig na laban ng SSC-R ng Quiapo na kakapitan sina Katherine Santos at Zenith Joy Deposoy upang umangat mula sa ilalim at matakasan ang apat na dikit na kamalasan.
Magpapang-abot din ang nasa terserang College of Saint Benilde (2-0)-Enderun Colleges (1-2) sa alas-4 ng hapon sa torneong mga ineere ng Solar Sports, V-League’s official website at Bola.TV app.
Sa mem’s play, bakbakan ang kasalo sa terserong National University Bulldogs (2-1)-pampitong San Beda University Red Lions (0-3) sa alas-10:00 ng umaga, at lider na Ateneo de Manila University Blue Eagles (3-0)-De La Salle University Green Spikers (2-1) sa alas-12:00 ng tanghali. (Elech Dawa)