Patay ang isang binatilyo matapos makuryente sa nakalagay na air-condition sa canopy ng isang bahay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District – Police Station 1, ang biktima na si Jasper Castro, 14, ng
Capulong St., Brgy. 108 Tondo, Maynila.
Walang suot na pang-itaas ang binatilyo na naka jersey short lang nang makuryente sa nakakabit na aircon alas-10:20 ng umaga sa canopy ng bahay na pag-aari ng isang Joey Lepiten, 44, nasabing lugar.
Inaalam ng mga pulis kung bakit napunta ang biktima sa bahay na mistulang abandonado. (Juliet de Loza-Cudia)