WebClick Tracer

NEWS

China binoldyak sa tumitinding pambu-bully

Walang nakikitang positibong resulta si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa katatapos na pag-uusap para sa panukalang Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS).

Ayon kay Villafuerte, walang mararating ang planong bumuo ng COC dahil sa mga hakbang na ginagawa ng China sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Mas lalo umanong nakumbinsi si Villafuerte na walang mararating ang pag-uusap sa paglabas ng China ng 10-dash line map na nagtatakda ng mga inaangkin nitong teritoryo sa naturang bahagi ng karagatan.

Nabatid kay Villafuerte na nagkaroon ng pag-uusap ang China at mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa COC noong nagdaang linggo.

Ang Pilipinas ang nag-host ng pag-uusap para sa COC na ginawa sa hindi tinukoy na lokasyon noong Agosto 22 hanggang 24.

Layunin ng paglikha ng COC na magkaroon ng susunding panuntunan sa SCS. Ang pag-uusap para sa COC ay nagsimula noong 2002 at ginagawa ng dalawang beses kada taon. Ang Jakarta ang nag-host ng unang pag-uusap noong Marso.

Ipinunto rin ni Villafuerte na sa halip na humupa ay lalo pang tumitindi ang mga aksyon ng China laban sa Pilipinas sa gitna ng mga ginagawang pag-uusap. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on