Ni Rey T. Sibayan
Ngayong may pag-ulan dulot ng Habagat pati mga multo ay nakikisilong sa mga bahay, opisina kasama na ang mga condo.
Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo Alamin natin ang Totoo!”
Si Dally ng Marikina ay biglang nagising ng dis-oras ng gabi dahil sa mga naririnig niyang boses sa paligid.
Misteryo: “So may naririnig kang nagbubulungan? Hindi naman kaya naririnig mo lang ang kapitbahay mo baka may night party.” Dally: “Yung naririnig kong boses sa paligid lang ng bed ko kaya nagising ako, bigla akong natakot ako nang makita ko sila.”
Misteryo: “I see so nakita mo sila? Ano ang hitsura nila?” Dally: “Madami sila yung iba nakakatakot ang hitsura, may black lady meron yung teenager pa na babae na may red eyes.”
Misteryo: “Ngayon Ito no? Ngayong Ghost Month?” Dally: “Yes nitong last August 30 lang yung peak ng ghost month – Hungry Ghost Festival.”
Misteryo: “Anong ginawa mo? Buti hindi ka nagtatakbo palabas ng room mo nung makita mo sila?” Dally: “Hindi medyo nagulat lang kahit nakakatakot hitsura nila pero sinabihan ko sila lumabas sila ng room ko at wag sila papasok sa condo unit ko kasi hindi sila welcome.”
Misteryo: “Maraming beses ka na bang nakakita ng ghosts kahit hindi ghost month?” Dally: “Yes paminsan-minsan. Mas madalas talaga at madami pag ghost month. Tama nga yung sinasabi na bukas ang pintuan ng other side at nagpupunta dito sa ating mga buhay ang mga namatay.”
Kayo mga ka-Misteryo ano ang karanasan niyo ngayong ghost month?
Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com.
Bisitahin ang www.ReyTSibayan.com at abante.com.ph. #