WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko binalandra paglalaba sa abroad

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko ang walang magawa sa buhay dahil pati na ang paglalaba ay ibinida sa social media?

Kuwento ng isang Marites kay Mang Teban, ipinakita raw ng politiko sa social media account kung paano siya maglaba ng damit.

Konyo itong politiko at kilalang¬ maraming kasambahay sa kanilang bahay pero sa kagustuhang magpabida sa mga botante, ipinagmalaki na kaya niyang maglaba ng damit.

Ibinida pa niya na eksperto rin siya sa pamamalantsa, parang pinalalabas na takusa siya na sumusunod sa lahat ng utos ni misis.

Ang classic nito, hindi man lang nabasa ang kamay ng politiko, eh paano ba naman kasi ay washing machine ang kanyang ginamit.

Dahil sa kabaduyan, nila¬ngaw ang social media post ng politiko dahil hindi man lang ¬umabot ng 400 ang nag-like.

Wala siyang binatbat kay Ivana na dahil sa paglalaba, uma¬bot ng milyon-milyong yakman ang nanood sa wet scene nito sa labahan.

Clue. Ang politiko na umepal sa paglalaba ay ayaw nang magsuot ng dilaw na damit.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on