Ilang linggo na tayong inuulan dahil sa walang tigil na bagyo nadumating sa ating bansa kamakailan lang. Ilang rainfall warning din ang ating nakuha na nagsasabing malaki ang posibilidad namagkakaroon ng mga baha dahil dito. At ayan na nga, ilangbahagi ng NCR ay nalubog ng iba’t ibang lalim. Kahit na may mga araw na idineklara na walang pasok, madami pa din ang kinakailangan pumasok. Sa mga pagkakataong ito, hindimalayong dumaan at tahakin ang mga bahang ito. Sana lang ay nakahanda lumusong. Maayos na pananamit na nakabalot para tuyo at hindi mabasa, at sana nakabota para hindi mapasukan ng tubig ang paa. Kinakailangan maprotektahan para hindimagkasakit.
Isa na napakadalas mangyari ay ang sakit na leptospirosis. Nagmumula ito sa Leptospira bacteria. Mga hayop ang madalasna nagkakasakit. Pwedeng maipasa sa tao sa pamamagitan ng ihing mga hayop na ito. sumasama ang bakterya sa ihi at hindi itonamamatay. Kaya kung ito ay nasa lupa at bumaha, kontaminado na ito at tuloy pa din ang panganib na makaapektong ibang biktima. Ilan sa posibleng mangyari ay ang paglusongsa maruming tubig habang may sugat sa katawan, lalo na kung bukas ito. Maaari din sa pagkain o paginom ng madumingpagkain at tubig. Pwede din sa simpleng pagtalsik ng kontaminadong tubig o ihi sa mata, ilong o bibig. Maliban sapagiwas lumusong at paglangoy sa tubig baha, at paggamit ng bota at gwantes kung di makaiwas at kung sakali, maghugas ng sabon at tubig kung dumaan nga sa baha. Siguruhin na malinisang inuming tubig, ugaliin ang tamang pagtapon ng basura at panatiliin ang kalinisan ng kapaligiran at bahay.
Anu-ano ba ang mararamdaman ng isang may leptospirosis? Andyan ang lagnat, pananakit ng kalamnan at ulo, panginginig, pagtatae, at pamamantal. Kaya lang, mayroon din paninilaw ng balat at pamumula ng mata. Ngunit bago pa maramdaman alinman sa mga sintomas na ito, kung lumusong sa baha, magpakonsulta na. depende sa tagal ng exposure sab aha maaaring bigyan ng anti bakterya na doxycycline na 100mg.
Kung mababa ang risk, minsan lamang lumusong at walangsugat, ay maaaring bigyan ng 2 capsula sa loob ng 1 hanggang 3 araw mula sa pagahon sa baha, minsanan lamang. Kung moderate risk naman, minsan lang lumusong ngunit may sugat, pareho din ngunit sa loob ng halos 5 araw ang inom. Ngunit, kung mataas ang risk, patuloy ang paglusong sa baha, may sugatman o wala, ang inom ay 2 kapsula kada linggo hanggang hindina lumulusong sa baha. Ito ay para hindi sana magkaroon ng leptospirosis. Kaya lang hindi basta basta pwedeng bilhin itokung walang payo at reseta ang inyong doktor.
Ingatan natin ang ating sarili dahil madami dami pa ang mgadarating na bagyo at maaaring magdala ng tubig at bumaha saating lugar na dadaanan.
Hanggang sa susunod na Miyerkoles ! Keep healthy! Stay safe!Remain vigilant!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing martes10am at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am saDZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan
…