Hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses akong nakapasyal sa Enchanted Kingdom, ang nag-iisa at kauna-unahang world-class amusement park sa bansa.
Katunayan, bahagi na ang EK ng aking kabataan. Isa ito sa laging pinapasyalan tuwing may field trip ang aming eskwelahan. Pati family gathering, gala ng barkada, o maging birthday celebration – dito rin karaniwang ginaganap.
Kaya talaga namang naging parte na ng pamilyang Pilipino ang magical experience na hatid ng naturang theme park.
Mas exciting ngayong October dahil ipagdiriwang ng EK ang ika-28th anniversary nito na may temang ‘Be The Magic! Be Enchanted!’
Isasapubliko rin ng Enchanted Kingdom ang sarili nitong storybook characters sa isang grand parade. Kaabang-abang!
Nitong nakaraang buwan kung kailan nagdiwang ng birthday ang iconic wizard na si Eldar, nagpasaring si Dr. Cynthia Mamon, Chief Operating Officer, EK na malalaman na ng publiko ang kuwento sa likod nito.
Bukod kina Princess Victoria at Princess Madeline, may iba rin daw characters sa storybook na kukumpleto sa buong istorya. Tiyak daw silang magugustuhan ito ng mga chikiting, pati na ng mga young at heart.
Ayon kay Nico Mamon, Head of Organization Dev’t and Corporate Planning, EK, ‘We are very excited to capture these enchanting stories from our past and present guests, and celebrate these magical experiences with the future generation.’
Dahil nasabik at hinahanap-hanap din daw ng kanilang mga parokyano, ibabalik ng EK ang Sky Wizardry Fireworks Competition matapos mahinto nang walong taon.
Bilang isang proud Filipino company, nais daw ng EK management na matulungan ang local artistry sa bansa. ‘Apart from entertaining and dazzling the guests, EK has collaborated with Filipino fireworks manufacturers to showcase their products and creativity’, dagdag ni Mamon.
Para laging updated at hindi mahuli sa mga ganap ng EK, manatiling nakatutok sa kanilang official website at social media accounts.
