WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Solon, committee secretary nagbardagulan

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mam¬babatas ang nakipagtalo sa committee secretary dahil hindi nagustuhan ang mga inimbitahang guest sa pagdinig?

Kuwento ng isang impormante ni Mang Teban, inaway daw ng mambabatas ang comsec dahil hindi nito type ang mga bisita sa hearing.

Hindi raw nasindak ang committee secretary at nanindigan na tama at importante ang mga iimbitahan niyang mga resource person. Agad namang nagpanting ang tenga ng mambabatas na ito at tinalakan ang committee secretary.

Aba’y lumabas na ang bagyong Goring at Hanna sa Pilipinas pero mukhang naiwan pa sa Metro Manila ang mala¬kas na hangin nito

Ipinagmamalaki ba naman kasi ng mambabatas na ito na mas matalino siya sa committee secretary at staff nito, kaya alam niya kung sino ang dapat imbitahan sa pagdinig at hindi.

Ipinangalandakan pa ng mambabatas na ito na mataas daw ang kanyang pinag-aralan at hindi lang dito sa Pilipinas siya nag-aral kundi sa ibang bansa pa kaya hindi siya dapat pangunahan sa kung sino ang iimbitahan ng resource sa kanyang gagawing pagdinig.

Clue. Ang mambabatas na matalino subalit sumobra ang kayabangan ay may letrang O sa kanyang apelyido as ‘over’ sa yabang.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on