Sugatan ang driver ng ambulansya nang salpukin ng pampasaherong bus sa Edsa Busway sa harap ng Baliwag Transit sa Quezon City kahapon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa inisyal na ulat ng MMDA, sinalpok ng bus ang ambulansya na nagmula sa main road papasok sa busway.
“As captured on the CCTV, the ambulance from the main road entering the busway was hit by [a] bus,” ayon sa MMDA.
Wala namang sakay na pasyente ang ambulansya ngunit nasugatan ang driver nito dahil sa insidente.
Bagama’t nabigong magpreno, sinabi ng MMDA na hindi naman lumampas sa speed limit na 50 kilometro bawat oras ang driver ng bus. (Dolly Cabreza)