Sino raw itong opisyal ng gobyerno na tumiba matapos ibenta sa pribadong sektor ang mga nakuhang datos sa mga Pinoy?
Kuwento ng isang source kay Mang Teban, kilalang techy daw itong government official bago pa man nagtrabaho sa gobyerno. Bansagan natin siyang si “Gawgaw”.
Mayroon daw itong software company at inilako ang digitization sa mga local government unit (LGU).
Isa raw sa naging kliyente ay isang LGU sa Metro Manila na madalas bahain. Nagpagawa raw ang yorme ng app para mapabilis ang serbisyo nila sa mga constituent. Ilan sa puwedeng gawin sa app ay ang aplikasyon ng occupational permit, health certificate, community tax certificate at marami pang iba.
Ang kaparehong system, inilako rin daw sa ibang LGU at marami naman ang kumagat dahil libre raw ito. Ang bayad ay sa transaction cost lang.
Ang classic nito, pakana lang pala ni Gawgaw ito para makuha ang data ng mga gumagamit sa app upang maibenta sa mga sindikato ng scammer.
Hindi lang daw mga LGU ang nabudol nito kundi pati na ang isang retiradong heneral na nagtrabaho noon sa dating administrasyon.
Sa kabila ng mga kinasangkutang kontrobersya, aba’y naluklok pang undersecretary ng isang ahensiya ng gobyerno si Gawgaw kaya tuloy ang pagkorner niya ng data ng mga Noypi.
Clue: Mahuhulaan n’yo ang pangalan ng government official kung matigas ang sinusuot mong damit.