Sa ikaanim na beses, muling pinasok ng holdaper ang isang convenience store at tinangay ang P5,000 kita nito sa Kawit, Cavite Linggo ng gabi.
Ang hinoldap ay ang Alfamart branch sa Brgy Sta Isabel, Kawit, Cavite.
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang mga suspek na inilarawan na may taas na 5’4”, habang nakaputi na sando, itim na maong pants, may tattoo sa kaliwa at kanang balikat, nakaitim na cap, at katamtaman ang pangangatawan ang kasama nitong nagsisilbing look-out.
Sa ulat, alas-7:50 kamakalawa ng hapon nang pumasok ang isa sa mga suspek sa Alfamart sa Brgy Sta Isabel, Kawit, Cavite at nagpanggap na customer habang ang kasama nito ay nagsilbing look-out.
Pagdating sa counter, kunwang magbabayad subalit naglabas ng baril ang suspek, tinutukan ang shift leader na si Tyrone Mikko Palo, nagdeklara ng holdap at tinangay ang P5,000 kita ng tindahan.
Matapos nakuha ang pera, tumakas ang mga suspek at sumakay ng isang tricycle.
Sa datos, ito na ang pang-anim na beses na hinoldap ang Alfamart Convenience Store sa loob lamang ng limang buwan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at nagsasagawa ng dranet/checkpoint operation laban sa mga suspek. (Gene Adsuara)