WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Partido Federal lider kinalawit sa fake news

Inaresto ng Regional Anti Cyber Crime Unit sa Region 5 ang lider ng Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Bong-Bong Marcos Jr., sa Camarines Norte.

Sa bisa ng search warrant mula sa sala ni Judge Evan Dizon, sinalakay ng PNP Cyber Response Team ang bahay ni Ramses Elrey Ruidera, 48, taga-Barangay 4 sa bayan ng Daet, Camarines Norte pasado alas- singko ng hapon.

Kinumpiska ng mga pulis ang cellphone, laptop, ilang USB at memory stick sa suspect.

Si Ruidera ay kilalang kaalyado ng natalong gubernador na si Egay Tallado at bumabatikos sa kapatid ni Senador Robin Padilla na si Camarines Norte Governor Dong Padilla, na kaalyado ni PBBM.

Ginagamit umano ni Ruidera ang online plattform para gumawa ng Fake News at siraan ang ilang politiko sa Camarines Norte gamit ang ibat-ibang pangalan. (Dave Llavanes Jr)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on