WebClick Tracer

NEWS

PBBM biyaheng Asian meet, Formula One sa Singapore

Bibiyahe muli si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dumalo naman sa 10th Asian Conference na gaganapin sa Singapore sa Miyerkoles, Setyembre 13, at panonoorin din ng finals ng Formula One.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, Setyembre 11, inaasahang tatalakayin ng Pangulo ang mga prayoridad na polisiya at programa ng kanyang administrasyon sa harap ng mga economic manager at business leaders na dadalo sa naturang kumperensiya.

Magkakaroon umano ng 30-minute talk si Pangulong Marcos na pinamagatang “A Conversation with the President of the Republic of the Philippines” kung saan ay magiging tampok dito ang gumagandang buhay ng mga Pilipino sa kabila ng mga hamon mula sa global events.

Si Pangulong Marcos din umano ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas na magsasalita sa Milken Institute’s Asia Summit.

Makikipagkita rin umano ang Pangulo sa mga business leader sa Singapore upang palakasin pa ang “economic ties” at posibleng partnership sa ilang industriya ng naturang bansa.

Ayon pa sa PCO, manonood din ang Pangulo ng finals ng Formula One Singapore Grand Prix 2023 matapos imbitahan ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong. (Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on