KALABOSO ang isang lady massage therapist at itinuturing na high value target ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 2 (PDEA-R2) matapos ang anti-illegal drug bust sa Barangay Sta. Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya kamalawa.
Kinilala ng PDEA-R2 ang suspek na si Rosalee Al-Qubaisi, 33, ng Awallan, Baggao, Cagayan.
Sa report ng mga otoridad, ilang araw ding dumaan sa surveillance si Rosalee at nakumpirmang sangkot ito sa pagtutulak umano ng shabu.
Isang undercover agent ng PDEA na umaktong shabu buyer ang umaresto sa suspek pagkatapos iabot ang illegal na droga.
Nahuli sa babae ang 2 plastic sachet ng shabu, isang medium size ng plastic sachet na naglalaman ng 60 grams na shabu na nagkakahalaga lahat ng P476,000.
Nakakulong ngayon ang suspek sa Bayombong Police Station. (Allan Bergonia)