Ukol sa pagtutuwid ng kapwa na naliligaw ng landas o “fraternal correction” ang Ebanghelyo ngayong Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (Cfr. Mateo 18:15-20). Sa Mabuting Balita itinuro ni HesuKristo kung paano itutuwid ang nagkasala. Ito’y alinsunod sa habilin ng Panginoon na magmahalan ang Kanyang mga alagad at paalala sa tungkulin nilang buong malasakit na tiyakin ang kaligtasan ng tanan.
Diin ng Panginoon, tayo nga ay may pananagutan sa isa’t isa; tungkulin natin na ituwid ang pagkakasala o pagkakamali ng kapwa. Turo ng Simbahan, “as members of the Church, the one Body of Christ, we are responsible not only for our salvation but also for the salvation of one another. Others have a right to our love so we should labor to build up the Chrurch through responsible love toward our neighbor.”
Naniniwala ang Iglesya na parte ng pagiging Kristiyano ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa higit sa lahat sa mga lugmok sa pagkakasala. Ang pagtutuwid sa pagkakamali ng iba ay pagbabahagi ng katotohanan ng Diyos sa alinsunod sa atas ng pag-ibig. Turo ni San Pablo, “One thing we ‘owe’ to one another is love, for the one who loves fulfills the law.” Pagmamahal sa kapwa ang tamang matibo ng pagtutuwid!
Puna ni Bishop Teodoro C. Bacani, Jr. DD, “Fraternal correction is meant not to demolish the erring one but to build him/her up. The person who sins is a fellow member of the Church, a child of God who has lost his way. That is why he/she is eminently worth the trouble we take to correct him/her. When we win back the lost, we have won back a brother or sister for whom Christ died ( 1 Cor 8:11).”
Detalyadong inilahad ni Hesus ang tamang paraan ng pagtutuwid sa kapwa. Sabi ng Panginoon, puntahan ito at kausapin nang sarilinan; kung hindi making, magsama ng isa o dalawang taong tatayong saksi sa kanilang usapan; kapag hindi pa makinig ituring na lang ito na isang Hentil o publikano (Mateo 18:15-17). Kailangan daw gawin ang lahat ng paraan upang mapanumbalik ang naliligaw ng landas.
Malinaw ang habilin ni Kristo na dapat isagawa nang pribado ang pagtutuwid, hindi kailanman dapat mauwi ito sa tsismis o makarating sa mga ‘Marites’ ng Simbahan. Hindi rin đapat ang nagkasala ang mauunang lalapit kundi yaong pinagkasalanan upang hindi magkatikisan. Mariin ang paalala ng Iglesya ukol sa natatanging hagad at angkop na motibo ng pagtutuwid ay ang kapakanan at kabutihan ng kapwa.
Paalala ni Bishop Bacani, “In the Christian community no one is immune from correction because no one is incapable of sinning or erring.” Kaya kailangang nakahanda tayo sa pagtutuwid maging mula sa ating mga nasasakupan at mas mababa sa atin. Dagdag pa ni Bishop, “Blesssed are those who have persons to correct them when they err. We should be grateful to persons who have chosen a difficult path for our sakes.”
Sa huli, payo ni Pope Francis kung sakaling ayaw di pa rin makinig at magbago ang mga napagsabihan, ipagpasa-Diyos nalang daw natin sila: “put them in God’s hands; only the Father will be able to show a greater love than that of all brothers and sisters put together. We do not give up, or give in to hatred; rather we put our trust in God as we continue to pray for the offender believing that God’s love changes hearts.”