WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Testigo sa minaltratong kasambahay tinarget iligpit

Tinangkang patayin ang pangunahing testigo sa pagmamaltrato sa kasambahay na si Elvie Vergara nitong Martes ng gabi.

Nabatid na nanonood ng TV si Alyas Dodong sa kanyang bahay sa Paluan, Occ. Mindoro nang puwersahang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng bonnet sa pamamagitan ng pagsipa sa pinto.

Kasabay ng pagsasabi ng suspek na “dito ka lang pala makikita!” ay agad na pinaputukan si Alyas Dodong na maswerteng hindi tinamaan.

Nakatakbo si Alyas Dodong pero sinundan pa siya hanggang sa palayan at muling binaril na hindi rin tinamaan.

Dalawa umano ang suspek na nakasuot ng bonnet pero isa lamang ang nagpaputok.

Hawak na ng CIDG si Alyas Dodong at nasa isang safehouse na ngayon. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on