WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Teves inampon ng mga warlord

Nasa poder umano ngayon ng mga warlord at protektado ang pinatalsik na si Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ibinulgar ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na si Teves umano ay kinakanlong ngayon ng mga local warlords sa Southeast Asia.

Ito umano ay base na rin sa natanggap na intelligence reports ng Department of Justice (DOJ), kung saan palipat lipat umano ito ng lugar matapos na bansagang terorista at isyuhan ng arrest warrant.

Si Teves at ilan pa ay idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council (ACT) habang ang Manila Regional Trial Court naman ang nag-isyu ng arrest warrant kaugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at ilang sibilyan noong Marso 4.

“Nandon pa din siya sa area, sa Southeast Asia supposedly under the protection of local war lords. ‘Yan ang balita sa amin pero titignan natin kasi ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) yan eh. We can ask them to assist us especially against someone who is a designated terrorist,” ayon kay Remulla.

Tiniyak din ng justice secretary sa publiko na mino-monitor ng gobyerno ang galaw ni Teves. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on