Mahigit sa 100 piraso ng simcard na nakarehistro na ang nasabat ng pulisya mula isang Chinese sa Pasay City.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, naaresto ang Chinese na si Leong Ze Yan, 23, sa isang entrapment operation.
Ibinebenta ng suspek sa kapwa niya Chinese ang mga simcard na karaniwang ginagamit sa mga transaksyon sa online casino at sa ilegal na aktibidad.
Sa ngayon ay inihahanda na ang patung patong na kasong isasampa laban sa suspek. (Betchai Julian)