WebClick Tracer

OPINION

Kapritso o serbisyo?

“Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.”

– Republic Act 6713

Wala bang masama sa panood ni Pangulong Bongbong Marcos ng F1 car race sa Singapore sa kabila ng malalaking problema na humahamon sa kanyang liderato?

Noong 2022, ilang araw na itinanggi ng Malakanyang ang pagpunta sa Singapore ni Pangulong Bongbong Marcos para manood ng Grand Prix.

Ngunit sa madaling-araw noong Lunes, Oktubre 3, 2022 , kinumpirma na ni dating Press secretary Trixie Cruz-Angeles na si Marcos Jr. ay nasa lungsod-estado para manood ng Formula 1 na karera.

Depensa niya “Naging produktibo ang pagdalaw sa Singapore ni Pangulong Marcos Jr.”

Ang post ay dumating ilang araw matapos ang Palace media, sa pamamagitan ng mga opisyal na channel, ay humingi ng kumpirmasyon sa mga ulat na si Marcos ay lilipad sa Singapore upang panoorin ang Grand Prix, isang motor racing event na bahagi ng 2022 F1 season. Ang 2022 na edisyon ay ang unang idinaos mula noong nagsimula ang pandemya ng COVID-19.

Sa naging IG post ng Pangulo kinalaunan, inihalintulad niya ang panonood niya ng F1 night races sa paglalaro ng golf para makakuha ng mga puhunan para sa bansa.

“They say that playing golf is the best way to drum up business, but I say it’s Formula 1. What a productive weekend!” sabi ni BBM.

“It was fulfilling to have been invited alongside several dignitaries and to have met new business friends who showed that they are ready and willing to invest in the Philippines. Will be sharing more details on this at a later time,” dagdag pa niya.

Dapat malaman ng publiko kung ano nga ba ang naging pakinabang ng panonood niya ng F1 race noong 2022, para ulitin niyang gawin ulit ngayon na araw pa ng kanyang kapanganakan.

Ito ay sa kabila na lubog pa sa baha ang maraming bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao, na mataas pa rin ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin pati na petrolyo.

Nagtatanong ang ordinaryong mamamayan, na pinipilit mabuhay sa bawat araw, KAPRITSO o SERBISYO?

Walang personalan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on