WebClick Tracer

LIFESTYLE

3,733 trabaho dinumog sa Job Fair ng SM Grand Central

Nasa 3,733 trabaho ang nakalaan para sa mga newly graduates at unemployed sa idinaos na Job Fair na kung saan nasa 41 malalaking kumpanya ang nakiisa at agad namang na-hire on the spot na ginanap sa SM Grand Central, Caloocan City.

Mula sa pakikipag-ugnayan ng SM Grand Central sa Caloocan City Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE), lumahok ang ilang malalaking kumpanya na tulad ng Shipping Center Management Corp. Jac Liner, D’Jobsite General Services Inc., Capitol Steel Corp., Goldilocks Bakeshop Inc., Concentrix, Great Image Sevcies Corp., Abenson Ventures Inc., Ace Hardware Inc, Waltermart Supermarket, International Toy World at iba pa.

Ayon kay Rey Sanglay, DOLE Supervising labor head sa Caloocan, tinitiyak nitong maraming unemployed ang magkakaroon na ng trabaho dahil sa pagsali ng 41 kumpanya na handang magbigay ng trabaho.

Nabatid na sa pagbubukas ng Job Fair bandang 10:00 Biyernes ng umaga ay may tatlo na agad na maagang aplikante ang na-hire on the spot na binigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Goldilocks, Lay Bare Waxing Philippines Inc. at Binondo Food Corp.

Bukas ang fair para sa mga job seekers na may background o wala, basta magdala lamang ng resume at mga requirements para sa mabilis na proseso ng papeles.

Bukod sa Job Fair, nag-offer din ang SM Grand Central ng NBI clearance, SSS membership, community tax certificate, police clearance at PhilHealth membership para sa mga pangunahing kailangan sa paghahanap ng trabaho. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on