WebClick Tracer

LIFESTYLE

Tao na Hitsurang Aso Naispatan

Mga ka-Misteryo totoo kaya ang taong-lobo o taong-aso?

‘Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo.”

Si Romy ng Cavite ay lumapit sa Misteryo at nagtanong sa kanyang nakita habang nagmamaneho sa Cavite.

Misteryo: “Paano ba nagsimula ang encounter mo? Saka pambihira yang experience mo kasi hindi naman uso dito sa Pilipinas ang werewolf. So Tama no nakita mong hitsurang aso yung mga tao?”

Romy: “Ganito kasi yun inihatid ko sa isang party yung milyunaryo kong amo. Family driver nila ako so yung minamaneho kong sedan ay ipinauwi muna nila sa akin at sunduin ko na lang sila kinabukasan. Makitid yung kalsada na dinaanan ko so hindi pwede magkasalubong ang dalawang saaakyan. Sa gawing unahan ko may nakita akong nagbibisikleta. Tinamaan siya ng ilaw ng kotse. Nakita ko may angkas siyang aso sa likod malaki yung aso.”

Misteryo: “Baka naman alaga talaga yun ng rider? Sinadya niyang isakay sa likod niya.” Romy: “Yun nga ang naisip ko. Medyo mabagal sila kaya binusinahan ko para tumabi sila. Nang makita kong tumabi unti-unti ko silang nilagpasan.” Misteryo: “So tinignan mong mabuti yung magka-angkas sa motor?”

Romy: Yes tinignan ko talaga kasi curious ako sa sakay niyang aso pero nagulat ako at natakot na din kasi yung rider pala ay aso din.”

Misteryo: “Teka so paano mo nasabi na aso din yung rider? Di ba nga magkaangkas sila?”

Romy: “Ganito kasi tinignan ko yung rider may nguso din siya ng aso tapos ganun din yung nasa likod niya na nakakapit sa kanya. Tinignan ko din yung mga paa nila parehong sa aso yung paa. Malalaki sila.”

Misteryo: “Anong ginawa mo ng makita mong ganun?”

Romy: “No choice pinaspasan ko pagpapatakbo ng kotse na muntik pa kong mabangga sa poste.”

Kayo mga ka-Misteryo naniniwala ba kayong May werewolf o taong-lobo sa Pilipinas?

Kung meron nito hindi rin malayo na merong bampira.

Para sa inyong kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on