Mayroong 197 barangay sa Northern Mindanao ang nasa Areas of Concerns (AOC) para sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10.
Gayunman, nilinaw ni PRO 10 spokesperson Police Major Joanne Navarro na walang napabilang dito sa red category na kailangan ng mahigpit na pagbabantay ng pulisya at militar.
“We only have 155 barangays under code Orange which means there were previous records of election-related conflicts but can be managed; there were only 42 barangays under Yellow,” ani Navaroo base sa datos ng nagmula sa PRO-10’s Regional Intelligence Division.
“These figures we have, as of August, were relatively lower compared to the previous election season and these figures might change on the actual election day on Oct. 30,” saad pa ni Navarro. Sinabi ng opisyal na patuloy pa rin ang pagbabantay nila sa rehiyon para matiyak na magiging tahimik at payapa ang idaraos na eleksyon sa susunod na buwan. (Edwin Balasa)