May 500 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang ikinalat sa paligid ng San Beda College at University of Sto. Tomas (UST) para magbigay ng seguridad sa mga kumuha ng Bar exam simula kahapon hanggang sa Setyembre 24.
Kasabay nito, nanawagan si MPD. Public Information Office chief PMajor Philipp Ines sa publiko na agad magsumbong sa pulisya sakaling may makita silang kahina-hinala ang kilos sa paligid ng nasabing mga lugar.
Samantala, sinabi ng Supreme Court (SC) na 10,404 examinee ang natuloy na makapag- bar exam hanggang alas-onse nang tanghali kahapon taliwas sa unang napaulat na 10,816.
Nauna nang nagpalabas ng executive order si Manila Mayor Honey Lacuna para sa pagpapatupad ng liquor ban may 500 radius ang layo mula sa UST at San Beda sa panahon ng bar examination.
Isinara rin ng MPD ang bahagi ng Dapitan street at westbound lane ng España Boulevard mula alas.3:30 ng madaling araw hanggang alas-nuwebe nang umaga at alas 3:30 nang hapon hanggang alas-siyete nang gabi gayundin ang eastbound lane ng Legarda, Mendiola at Concepcion Aguila mula alas-dos nang madaling araw hanggang alas-siyete nang gabi sa panahon ng pagsusulit. .(Juliet de Loza-Cudia)