Sa tamang halong talino at pagkatao, kinoronahan ang Bikolanang morenang maganda na si Angel Brahms Malavega Bernarldez bilang Miss Philippine Reserved Officer Training Corps Games Luzon beauty pageant nitong Sabado ng gabi sa Cavite State University International Convention Center sa Indang, Cavite.
Tubong bayan ng pangisdaan ng Rapu-Rapu, Albay at isa ring ROTC Army cadet gaya ng mga kalaban niya, pinarampa si Bernarldez at mga karibal sa regular at parade uniforms, pinag-execute ng military movements gaya ng hand salutes, at sumalang sa question-and-answer segment.
Kumpiyansa ang Bicol University Elementary Education freshman na nakuha niya ang pagsangayon ng mga hurado sa kanyang bibong sagot nang usisain sa bentahe niya sa mga gaya niyang contestant.
“I humbly replied that I believe my dark skin complexion was my advantage because I want to bring it to a bigger platform as my own advocacy against bullying and discrimination because of our skin color,” litanya niya sa sariling karanasan kaya nag-ROTC.
“Indeed, we can do so much more as one and do so much more,” hirit ni Bernaldez, na nag-iisang anak ng security guard na ama at dating OFW na ina. (Abante TONITE Sports)