WebClick Tracer

OPINION

Hinay-hinay sa ambisyon

Ang aga ng galawan ng mga politiko sa 2028 eleksiyon lalo na ‘yung may mga ambisyon sa mas mataas na puwesto sa gobyerno.

Isa rito ay ang talunang senador na puntirya raw tumakbong Presidente.

Napa-wow na nga lang ako ng marinig ko ang tsika sa ambisyon ng politiko. Olats sa Senado gusto lang tumakbong Presidente!

Wala kasi akong makitang katangian ng politikong ito para maging Pangulo ng bansa, maliban sa mula ito sa angkan ng mga politiko sa bansa.

Mukhang inisip ni politiko at mga nakapaligid sa kanya na puwede siyang suwertehin kagaya ng sinapit ng isang malapit nitong kaanak.

Pero haler politiko, hindi lahat naambunan ng suwerte, lalo na sa kagaya mong maraming kinakawawang mga empleyado na walang kakayahang magsalita dahil sa takot mawalan ng trabaho.

Sabagay malayo-layo pa ang eleksiyon at sana ay magising na ang mga inagrabyado ng mga kompanya ng politikong ito at makarating sa kaalaman ng taumbayan ang kanyang maitim na budhi.

Sobrang hirap na kasi ng buhay ng mga Pinoy dahil sa walang tigil na pagtaas ng bilihin at serbisyo kaya magpakawais na tayo sa pagpili ng mga mamumuno sa ating bansa.

Huwag nang magpadala sa mga panandaliang solusyong inilalatag ng gobyerno sa mga problema ng bansa kung may pangmatagalan namang puwede kapalit ng pagsakripisyo nila sa maibubulsang pondo ng bayan.

***

Durog na durog si Barangay Kaligayahan chairman Freddy Roxas sa kamay ng mga kalaban niya sa politika sa Quezon City.

Halos linggo-linggo ito kinakasuhan sa Office of the Ombudsman ng mga kabarangay niya na nakasilip diumano ng iregularidad sa kanyang pamumuno.

Totoo man ito o hindi ay maaring magdalawang-isip ang mga botante sa kanyang barangay dahil itinaon ang pagkakaso sa kanya ngayong nalalapit na ang barangay eleksiyon.

In fairness kasi kay Chairman Roxas, maayos at maunlad ang Barangay Kaligayahan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Wala ring malalalang krimeng nangyari kaya maraming negosyante ang interesadong magtayo sa kanyang nasasakupan.

Kaya dapat maging matalino ang mga botante sa pagpili ng mga susunod na lider ng kanilang mga barangay. Iboto ang mga totoong naglilingkod at hindi mga ginagawang gatasan ang kanilang puwesto sa gobyerno.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

OPINION

TELETABLOID

Follow Abante News on