Hindi pala pabor si Ogie Alcasid sa pagli-live in ng anak na si Leila at ang boyfriend nitong rapper na si Curtismith.
Kinausap ng singer-songwriter ang anak nang masinsinan sa pakikipag-live in ng anak.
Sabi nga ni Ogie ,”In my mind, yes, but in my heart, no. Ang corny, ‘no? Yes. I’ve pretty much accepted that we’re gonna hit on that road sooner or later.”
Si Leila ay panganay na anak nina Ogie at Michelle Van Eimeren, ang kanyang first wife
Ayon sa singer/TV host, hindi niya nagustuhan ang desisyon ng anak pero 25 na raw ito at nasa tamang edad. Dahil dito, wala raw siyang magagawa kung ano ang desisyon ng anak.
Ani Ogie sa panayam, “I said, ‘You know, I didn’t like what you did. Because, that’s something that I wished you talk to me about.’
“However, nandiyan na yan, e, ginawa niya na yan. So, you want to be an adult, so you face like as an adult.
“And I’m proud that she didn’t ask money from me at all.”
Napag-usapan na rin daw nila ni Michelle ang tungkol kay Leila.
“Not at length. Pero nagkakasundo naman kami dun sa mga punto na disagree kami sa anak namin.”
Handa na ba siya kung sakaling mag-decide na sina Leila at Curtismith na magpakasal?
“Yeah I’m ready,” seryoso niyang tugon.