Sa kanyang vlog, sumalang si Pokwang sa 1k meal challenge. Ipinakita niya kung paano mapagkakasya ang isang libong piso sa pagluluto ng masustansya at nakasanayan niyang mga putahe.
Ipinakita niya ang ingredients tulad ng sardinas, galunggong, sayote, kangkong,talbos ng kamote, ampalaya, kamatis at iba pang pangsahog.
Kasama rin sa kanyang budget ang limang kilong bigas, cooking oil, itlog at iba pa.
Sey ni Pokwang, hindi raw niya alam kung ilang araw tatagal ang kanyang inihandang mga putahe.
Na-appreciate naman ng ilang netizens ang pagpapakatotoo ng komedyana at hindi pagdunong-dunungan.
Hirit naman ng kibitzers, tila ‘sinopla’ raw ni Pokwang si Neri Naig na nakatikim ng pambabatikos sa kanyang 1k/week meal challenge na inalmahan ng mga netizen.
Sey kasi ng budgetarians, hindi umano updated marahil si Neri sa presyo ng tumataas na mga bilihin.
May mga duda pa kung talagang namamalengke ito.
May mga nagtanggol naman sa asawa ni Chito Miranda na may sariling farm daw ito kaya siguro di na naisama sa kuwenta nito ang mga gulay na ginagamit sa kanyang pa- meal challenge.
Ito naman ang komento ng kibitzers.
“At least si Pokwang, nagpakatotoo dahil sinabi pa niya ang presyo ng nabili niya.”
“Ay. nasopla si Neri.”
“Iyong 2 days, I think kaya siya na isang ulam hanggang hapunan pero iyong 1k ni Neri per week, imposible.”
“baka naman on diet si Neri at konti lang siyang kumain hehe ”
“Take note, Neri.2 days not one week.”
“Ganitong content na lang sana na praktikal at totoo.”
“May sariling farm kasi si Neri si Pokwang wala.”
“Baka naman iyong 1k pulos gulay lang at walang sahog.”
“Keep it up,Pokwang.” (Archie Liao)