Mga laro sa Sabado, Sept. 23
(FilOil EcoOil Centre-San Juan)
11 am – CSB vs CSJL
2 pm – EAC vs FEU
5 pm – UE vs NU
Nagbaon si Alyzza Gaile Devosora ng 18 points sa likod ng 14 attack at 4 aces upang kabugin ng Far Eastern University ang Mapua University, 25-23, 25-14, 25-18, sa 2nd Shakey’s Super League 2023 Pre-Season Championship sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan Lunes ng gabi.
“Una pa lang kaya medyo kinakabahan kasi first time na sumalang ulit. Sobrang happy din po kasi lahat kami, nag-ambag sa team,” suma ni Devosora sa magarang ‘binyag’ ng Lady Tamaraws sa Pool D eliminations.
Ang paliga ng Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. ay inoorganisa ng Athletic Events and Sports Management Inc. o ACES at mga suportado ng Mikasa, Eurotel, Victory Liner, Summit Bottle Water, Peri-Peri Charcoal Chicken, R and B Milk Tea, Potato Corner, Rebel Sports, Converge ICT Solutions, Genius Sports, Philippine Sports Commission at Commission on Higher Education.
Binitbit naman ni Zenith Joy Deposoy na makalampas sa posibleng pagkulapso ang San Sebastian College-Recoletos tungo sa pagkalos sa Jose Rizal University, 25-21, 21-25, 25- 20 at 25-12.
Sinamahanng Lady Stags sa maagang pamumuno ang University of the East (1-0) sa Pool A, samantalang sumalampak ang Lady Bombers sa 0-2.
“Sinabi lang po sa amin ng mga coach na tapangan namin ang laro kapag nasa loob ng court. Medyo naiwanan kasi kami sa second set kaya po bumawi kami sa huling dalawang set,” sey ni Deposoy na may kagayang iskor ni Devosora.
Si Katherine Santos ang aktuwal na nanguna sa Baste sa iniskor na 20. Bumakas pa si Cristina Marasigan na may 13 para sa Quiapo-based squad.
(Lito Oredo)