Pinagmamalaki ni Eric Quizon, head ng talent development and management ng Net 25 Star Circle nang ilunsad ang 31 new artists nila. Para na rin siyang sina Mr. Johnny Manahan at direk Laurenti Dyogi, huh.
At kahit na wala pang asawa at anak sa tunay na buhay, pakiramdam daw ni Eric, para siyang biglang naging tatay sa 31 sa mga alaga nila.
Ang 31 homegrown talents ay kinabibilangan ng anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta na si Bo Bautista, anak ni Mother Ricky Reyes na si Jam Aquino, anak ni Victor Wood na si Victoria Wood at sina Aaron Gonzalez, Arwen Cruz, Celyn David, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jannah Madrid, John Heindrick, Juan Atienza, Kanishia Santos, Migs Pura, Marco Ramos, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Albert, Ornella Brianna, Patrick Roxas, Rachel Gabreza, Shanicka Arganda, Shira Tweg, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Yvan Castro at Zach Francisco.
Ang 31 talents ng Net 25 Star Circle ay mula raw sa 400 na nag-audition at ilang buwan din na talagang puspusan ang naging workshop ng mga ito from singing, acting and dancing. At halos may mga projects na raw sa mga shows ng network.
Pero, nilinaw rin ni Eric na hindi exclusive ang kontrata nila sa Net 25 kaya maaari silang lumabas sa iba’t-ibang networks.
“Bakit namin pipigilan ang mga artista namin kung makakasama nila sina Coco Martin o si Dingdong Dantes o Marian (Rivera)? Why will I not be happy to allow them na magkaroon ng chance o opportunity ang wards namin na makatrabaho ang malalaking directors sa industry? So, p’wede silang hiramin,”
At dahil nga busy sa kanyang bagong role sa industry, aminado itong maapektuhan ang pagiging actor niya, pero hindi naman daw ibig sabihin na retirado na siya as an actor and maybe, even as a director.