Sa presscon ng ‘Dear Heart The Concert’ nagpasampol si Gabby Concepcion sa magiging performance niya sa concert ni Sharon Cuneta. Hindi lang siya basta kakanta, magi-inject din siya ng punchline at siguradong mag-i-enjoy ang audience.
Hindi lang kasi sila kakantahan ni Gabby, patatawanin din.
Ang kaibahan lang siguro, tatapusin ni Gabby ang mga kanta niya dahil sa presscon, simula lang ng awit ang ginawa niya.
Nakatutuwa rin ‘yung tinanong ni Gabby ang press people kung may song request, isulat lang daw sa papel, ibigay sa kanya at kakantahin niya. Hindi man kinumpirma, mukhang kasama sa repertoire nina Gabby at Sharon ang song na ‘Come What May’ na national anthem daw ng ShaGab fans.
Parang isasama rin niya sa kanyang repertoire ang kantang ‘Kumusta Ka’ dahil ni-request ni Baby Gil . Bagay ang Nonoy Zuniga original song sa timbre ng boses ni Gabby. Ang iba pang songs na kasama sa repertoire ng actor turned singer ay secret at sa concert sa October 27, 2023 sa SM MOA Arena na lang malalaman.
What made Gabby say yes sa reunion concert nila ni Sharon?
“It’s been a long time at dapat ito noon pa. Dapat din may movie kami, timing lang. Dati puro plano, ngayon lang natuloy. I think 2023 is a good year for me,” sagot ni Gabby.
Aware ang aktor na matagal na itong nire-request ng mga fan nila ni Sharon. Ang karamihan nga ay maagang bumili ng tiket para mas malapit sa stage.
Hindi sigurado si Gabby kung guest si KC Concepcion sa concert nila ni Sharon. Kahit siguro manoood na lang si KC, matutuwa na sina Sharon at Gabby. Pagbibigyan siguro ni KC kapag ni- request na kumanta siya kasama ang magulang niya.
Still on Gabby, malapit na uli siyang mapanood ng regular sa telebisyon dahil sa November 13, 2023 na ang premiere ng afternoon prime na ‘Stolen Life.’ Kasama niya rito sina Beauty Gonzalez at Carla Abellana. Ito ay sa direction ni Jerry Sineneng.